WALANG HANGGANG PAGTATAGPO

Nagkakilala sila sa Pilipinas. Si Stefan, isang German at si Criselda, isang Pinay. 6’2″ si Stefan. 4’11” naman si Criselda. Halos kasing puti ng chalk ang Aleman habang kayumangging kaligatan naman ang Pinay. Ayon nga sa isang kasabihan sa Ingles, opposites attract. Kaya’t walang nakapigil sa pagmamahalan ng dalawa at nagresulta ito ng isang masayang pagtatagpo ng magkaibang kultura. At tulad ng ibang mga love story, may pagsubok na laging dumarating. Kinailangang bumalik ni Stefan sa Berlin, Germany kaya naiwan si Criselda sa Pilipinas. Matindi ang kanilang pag-asa na muli silang magkakasama.

Ang dokumentaryong “Walang Hanggang Pagtatagpo” ay tungkol sa mga Pinay na nagmahal ng dayuhan katulad ni Criselda. Isasalaysay ng dokumentaryong ito ang mga tagumpay at kabiguan ng ating mga kababayang Pinay na naglakas loob makipagsapalaran sa ibang bansa sa ngalan ng pag-ibig.

Sa murang edad pa lang ni Joselyn ay pinangarap na niyang magkaroon ng foreigner na asawa. At dahil sa matinding pagdarasal at paniniwala, nagkatotoo ang kanyang kahilingan. Ikinasal siya sa isang Aleman na kamukha raw ni Barry Manilow-maputi, matangkad, kulot at napakatangos ng ilong. Si Emi naman, ni minsan ay hindi naisip na lilisanin niya ang Mindoro, ang lugar na kanyang kinalakihan. Pero dinala pa rin siya ng pag-ibig sa Berlin kung saan nakatuluyan niya ang kanyang nobyong Aleman. Pero kung mala-fairy tale ang kwento ni Joselyn at Emi, kabaligtaran naman nito ang naging karansan ni Yolly sa mga Aleman. Anong naging matinding karanasan ni Yolly sa mga dayuhang  nagpabago sa kanyang pananaw tungkol sa pag-ibig.

Inihahandog ng Reel Time ang “Walang Hanggang Pagtatagpo”, isang personal na dokumentaryo ni Criselda na halos isang taon nang hindi nakikita ang kanyang nobyong Aleman. Isang taong pagtitiis dahil sa internet lang silang dalawa nagkakatagpo. Pero dahil nabigyan ng pagkakataong bisitahin ni Criselda si Stefan sa Berlin, ano nga ba ang kapalarang naghihintay para sa kanilang dalawa?

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s