ANG MGA DATU NG MAHAGSAY

19 August 2013

datu

In the forests of Agusan del Sur, beneath the fogs that cloak it, a quaint village named Mahagsay has stood the test of time. This barangay is home to the Banwaon tribe, an indigenous group that has remained faithful to its traditions amid threats of the modern times. It is where datus (chieftains) still remain central to everyday life, where a Filipino minority still heeds the spirits of the natural world.

Through rough and difficult terrain, Kara David visits the Banwaon tribe and meets the datus of Mahagsay. These datus are not mere symbolic gatekeepers of their culture; they actually perform rituals. And the rituals that Kara David witnesses have a significant role not only to their present state, but also to the future of their tribe. What prophecy do the animal sacrifices reveal? How do the Banwaons deal with different threats to their culture?

Watch the excerpt below:

LANGIS SA TUBIG

Airing Date: July 22, 2013

iwit

At umagos ang namumuti at mabahong tubig…

Sa isang bayang pinagpala sa niyog, sa probinsya ng Quezon, may mga tubong matiyagang binabantayan. Mula rito dadaloy ang mala-panis na tubig. Mula rito, aagos ang tubig na may natatanging dumi.

At bago pa ito humalo sa ilog, tahimik na sinasalok ni Anghel ang maputing likido sa ibabaw ng tubig. Maaaring patapon na ito para sa iba, pero para sa kanilang nagtatrabaho sa “kapahan”, sa mala-palayan ng napapanis na tubig, ito pa lang ang simula. Kailangan pang lutuin ang mga katas na ito, kailangang pigain para sa natatanging langis.

Samahan si Kara David sa tabing ilog kung saan ang langis ay tila mas matimbang sa tubig.

___________________

 

And so flowed the whitish, foul-smelling water…

In a town blessed with coconut, in Quezon Province, some drainage is being closely watched. From here flows spoiled water. From here, comes a valuable waste. And before it mixes with the nearby river, young Anghel silently collects the white fluid that cloaks the water. It may be waste for others. But for Angel and the rest of the workers, these paddies of spoiled water can yield precious oil.

Join Kara David as she visits a riverside where oil outweighs water.

 

KAMANDAG NG PALAYAN

(MENACE OF THE FIELDS)
Airing Date: June 17, 2013

In Central Luzon, in the biggest plain and rice granary of the Philippines, many fear a silent creature. A bite spells peril. In a flash, life meets death.

But this creature is not a hindrance for the farmer Mang Agapito*. Life in the rice field must go on: there’s a season of harvest, there’s a season for planting. And in times of need, he and his sons are caught in a grapple with the snakes that lurk their fields…they struggle with one of the deadliest snakes in the country- the Philippine cobra.

Who wins this battle between human strength and animal venom? Who will become prey?

______________________________

Sa Gitnang Luzon na siyang pinakamalaking kapatagan at palayan sa Pilipinas, nakakubli ang isang tahimik ngunit kinakatakutang hayop. Peligro ang dulot ng isang kagat. Sa isang iglap, buhay ang katapat.

Ngunit hindi magpapatinag ang magsasakang si Mang Agapito*. Tuloy ang buhay sa bukid: may panahon ng ani, may panahon ng pagtatanim. At sa oras ng pangangailangan. nakikipagbuno sila ng kanyang mga anak sa mga ulupong ng nagtataasang talahib, sa Philippine cobra na isa sa pinakamakamandag na ahas sa bansa.

Sino ang mananaig: ang lakas ng tao o ang lason ng cobra? Sino sa kanila ang magpapahuli?

ANG LIHIM NG MGA LUMANG TULAY

photo(3)

Airing Date: May 20, 2013

Intramuros. Fort Santiago. Churches, belfries and convents. With three hundred years of colonization, the Spaniards constructed many architectural structures in the Philippines. It is said that they conquered the country with the sword and the cross. But on their conquest, one structure paved way for its success: bridges.

This is the story of some Philippine bridges and its colonial past.

In the quiet town of Mahayhay, Laguna, a bridge stood firm amidst a controversy. Here, the lush forest silences the whispers of the past, a story more than a hundred years old. Meanwhile, in the nearby town of Tayabas, Quezon, carvings on the adobe bridge immortalize questions of the bridges’ past. What are the secrets of these old bridges?

Join Kara David in learning about Spanish colonial bridges in the Philippines. “Secrets of Old Bridges”, an I-Witness documentary, airs on May 29, Monday, after Saksi.

Intramuros. Fort Santiago. Sari-saring simbahan, mga tore at kumbento. Sa tatlong daang taon ng kanilang pananakop, maraming itinayong mga istruktura ang mga Kastila sa Pilipinas. Sinasabing ang espada at krus ang siyang naging paraan nila tungo sa kapangyarihan. Ngunit para marating nila ang iba’t-ibang probinsya ng bansa, isang istruktura ang naging “daan” para sa kanilang krus at espada— ang mga tulay na bato na kanilang ipinagawa.

Ito ang kuwento ng mga tulay ng mga mananakop.

Sa tahimik na bayan ng Mahayhay, Laguna, isang tulay sa gitna ng kabundukan ang dati’y naging kontrobersyal. Dito, ikinukubli ng gubat ang mga bulung-bulungan, daang taon na ang lumipas. At doon naman sa karatig-bayan, sa Tayabas, Quezon, may mga markang nakaukit sa malalaking adobeng tulay, mga simbolong nagpapaalala sa mga nakaraan. Ano ang lihim ng mga lumang tulay na ito?

Samahan si Kara David na tuklasin ang iba’t-ibang kuwento ng mga tulay mula sa panahon ng mga Kastila. Mapapanood ang “Lihim ng mga Lumang Tulay” sa I-Witness, ngayong Lunes, May 20, pagkatapos ng Saksi.

BA…BE…BI…BOTO

April 22, 2013
vlcsnap-2013-04-17-10h02m17s20

B…Ba…Ba-sa. Maraming mga Aeta ng Zambales ang hindi marunong magbasa. Para sa kanila, ang ibig sabihin ng pagboto ay ang pagmarka ng kanilang hinlalaki, ang paglagay ng kanilang thumbmark. Hindi nila alam basahin ang pangalan ng mga
kandidato sa eleksyon…maging ang pangalang isinulat ng “assistant” sa kanilang balota. “No read, no write”, mangmang at walang boses na boto kung sila ay ituring.

Sa ilalim ng puno, unti-unting nakikilala ng mga Aeta ang alpabeto. Matiyaga ang kanilang gurong si Malou— isang Aeta na nagmumula pa (at nagtuturo din sa mga Aetas) sa Porac,Pampanga. Tuwing Sabado naglalakbay siya sa Sitio Malipano, sa bundok sa pagitan ng Bataan at Zambales, para sa espesyal nilang klase. May pakiusap sa kanya ang mga nakakatandang katutubo: ang ihanda sila para sa darating na eleksyon, ang mapabilang sila sa mga botanteng hindi nabibili at
naloloko. Matupad kaya ito?

Ang “Ba-Be-Bi-BOTO” ay ang ikalawang dokumentaryo ng I-Witness tungkol sa mga Pilipinong botante.

English version

For many Aetas, to vote means to put their thumbmark on a ballot. It doesn’t mean they can read and choose from the candidates’ names. It doesn’t mean they understand what their “assistant” wrote on their ballot. It only means theirs are the votes with no voice–a muted and abused position for “no read, no write” Filipinos.

But the elderly Aetas of Sitio Malipano, Zambales now want to be heard. Under the shade of a tree, they are slowly learning the alphabet, reciting what their grandchildren have learned ahead of them. Malou, an Aeta teacher from Porac, Pampanga, travels far from her hometown to give adult education in the sitio. Will they be ready for this coming May’s election?

“Ba-be-bi-BOTO” is the second episode of the I-Witness documentaries on Filipino voters.

RATTAN SA PUSOD NG SIERRA MADRE

April 1, 2013

Ang Sierra Madre ang sinasabing gulugod ng Luzon. Tirahan ng daan-daang halaman at hayop. Tirahan para sa isang Dumagat na may pangarap.

Sa likod ng mga ulap na bumabalot sa kabundukan, makikita ang mga baging na siyang kabuhayan para sa mga Dumagat ng Sitio Kinabuan, Tanay, Rizal. Ang mga rattan o yantok na ito ay nagkakahalaga mula tatlo hanggang dalawampung piso bawat isa. Para sa ganitong kita kung kaya sumasama si Jacqueline Araojo sa kanyang mga magulang papunta sa masukal na bundok, kung saan nakabitin sa naglalakihang puno ang mga matinik na rattan. May pangarap si Jacqueline, at sa bawat hakbang buhat-buhat ang rattan papunta sa bayan, alam niyang siya’y napapalapit dito.

English version

The Sierra Madre mountain range: the “backbone” of Luzon. Home to hundreds of plants and wild life. And home too, for a young Dumagat with a dream.

In the foggy mountain range are spiny vines that provide a living for the Dumagats of Sitio Kinabuan, Tanay, Rizal. These are rattan vines or “yantok”, which start to sell at three pesos and go as much as 20 pesos each, depending on the size. And for this selling price, fourteen-year-old Jacqueline Araojo joins her parents and elders into the thick forests of Sierra Madre in search for these thorny vines that dangle the trees. Jacqueline has a dream and as she carries their rattan harvest to town, she is a step closer to it.

ANG MISTERYO NG KAMHANTIK

February 18, 2013

At the highest peak of Bondoc Peninsula, Quezon Province, a curious find has left a community excited. Stone structures believed to be the burial site of ancient Filipinos, lie deep in this forest.

Join Kara David as she visits the recently discovered archaeological site which been inviting more questions than answers.